Home Page »  B »  Blkd
   

Gastador Lyrics


Blkd Gastador

[Produced by DJ Umph]

[Hook]
Mga maang-maangang
Gastador ng yaman ng kaban ng bayan
Mababangong pangalan, kagalang-galang
Sumisingaw ang sangsang (Mga kawatan!)
Mga maang-maangang
Gastador ng yaman ng kaban ng bayan
Mababangong pangalan, kagalang-galang
Sumisingaw ang sangsang (Mga kawatan!)

[Verse 1]
Ops, party na naman
Matapos mag-golf sa converted sakahan
Sakay ng bagong magarang sasakyan
Diretso sa resto, mga kinatawang kawatan
Puro VIP'ng asal paimportante
Mga pulitiko, mga negosyante
Mga artista, mga heneral
Sosyalan ng mga sosyal na kriminal na kritikal
Kung karangyaa'y sakit
Balo't ng designer burloloy, shoes, at damit
(Pakshet!) ‘Di mabilang sa salapi't assets
Mula sa ‘di maipaliwanag na rakets
(Bastos!) Sagarang mga mansyon
Dambuhalaking lupain sa nayon
Madalas at magastos na bakasyon
Pa'no naa-afford? Walang bakas 'yon

[Refrain]
Lahat ng 'yan ay sa kabila ng
Laganap at lumalalang kahirapan
Kaya mga gastador, hwag nang magtaka
Lechon na kayo, bukas-makalawa
Bukas-makalawa
Lechon na kayo bukas-makalawa
Mga gastador, hwag nang magtaka
Lechon na kayo bukas-makalawa

[Verse 2]
Kayo'y naluklok sa inyo-inyong pwesto
Dahil ang taumbayan ay na-impress nyo
Pero matapos ipangako ang best nyo
Presto, nagbago ang letrahan ng kuwento
Pera at pangalan ginawang puhunan
Para sa kapangyarihang masuhulan
Mga makamasa raw kung manilbihan
Matapos maupo, hindi na nanindigan
Akala n'yo kung sinong tapat kung pumutak
Mabilis pa sa kisap-mata kung kumurap
Kaya pala serbisyo ay abot-kamay
Kasi mga tanggapan ay tanggapan ng lagay
Bawim-bawi ang gastos para manalo
Malakas pa ang kickback sa nagulat na kabayo
At kung may katulad ko mang aangal
Madali lang maghugas-kamay na bakal

[Refrain]
Lahat ng 'yan ay sa kabila ng
Laganap at lumalalang kahirapan
Kaya mga gastador, hwag nang magtaka
Lechon na kayo, bukas-makalawa
Bukas-makalawa
Lechon na kayo bukas-makalawa
Mga gastador, hwag nang magtaka
Lechon na kayo bukas-makalawa
Bukas-makalawa
Letchon na kayo bukas-makalawa
Mga gastador, hwag nang magtaka
Lechon na kayo bukas-makalawa
(Mga baboy!)

[Outro]
"Le-le-le-Lechon na kayo bukas-makalawa"
"Le-le-le-Lechon na kayo bukas-makalawa"
"Le-le-le-le-Lechon na kayo bukas-makalawa"
"Mga kawatan!"
Most Read Blkd Lyrics
» Taksil
» Sugod
» Bente
» Kawal


most anticipated las vegas concerts and festivals in 2026
Most Anticipated Las Vegas Concerts And Festivals In 2026
Sasha Mednikova - 16 Dec 2025
debby ryan and josh dun welcome baby felix winter dun
Debby Ryan And Josh Dun Welcome Baby Felix Winter Dun
Evren E. - 13 Dec 2025
sabrina carpenter condemns use of juno in white house ice video
Sabrina Carpenter Condemns Use Of Juno In White House Ice Video
Chris Page - 02 Dec 2025
benny blancos mother faces terrifying home invasion in studio city
Benny Blanco's Mother Faces Terrifying Home Invasion In Studio City
Faith Thompson - 26 Nov 2025
ariana grande hints at pausing tours after 2026 eternal sunshine shows
Ariana Grande Hints At Pausing Tours After 2026 Eternal Sunshine Shows
Sasha Mednikova - 18 Nov 2025
Browse: