Home Page »  B »  Blkd
   

Kawal Lyrics


Blkd Kawal

Kawal ng Kultura! [Alagad ng Sining!]
Kawal ng Kultura! [Alagad ng Sining!]
Kawal ng Kultura! [Alagad ng Sining!]
Kawal ng Kultura! [Alagad ng Sining!]

Kawal-alagad ng malaya at mapagpalayang pamamahayag
Mga gabay sa paglalayag ng mga sa larangan ay lagalag
Sumasalag, pumapalag, upang umalagwa sa pagkakabaon
Sa libog sa katawan, yaman, dahas, at bisyo ng lumang panahon
Hwag malinlang sa gunita ng aming kabutihang loob
Bagama't kalma bulka'y marunong pumutok
Matibay ang paninindigan, hindi mapapaluhod
‘Di makakalusot katwirang bulok sa ‘ming mga makatang hubog
Sa digmaan ng bigkasan at digmaan sa lansangan
Ang kargada'y nagbabagang ABaKaDa ng paglaban
Mga bara mala-bala bawat tama pantama ng mali
Tatamaan ang lahat ng magkakamaling magtanggol ng maling gawi

Ambisyon mo ang manguna nang nakaupo lang
Hampasin nga kita ng bangko sabay tasa sa nabali at gawin kong panulat
O isaksak ko sa lalamunan, tiyak bigla kang magugulat
Walang patak ng dugong lalabas tanging tatagas ay laman ng pluma
Ito ang dahilan ba't kami sinilang, sining na maglilinlang
Sa mga pansarili mong adhikain, bumabaling sa atensyon, pinansin ng karamihan
Inaalok ng mabilisang pabuya, ‘di na kailangang maghabol
Pero hangga't may tulad mong naliligaw, mas pipiliin kong magtanggol
Ngunit kinatataka ko ba't sama ng iyong titig
Daig mo pa aking magulang ‘di ako mapilit-
Pilit kumaibigan ng sakristan nang magbago
Ihip, isip ko'y mawala sa paggawa ng pangit
Bakit mo ginising ang natutulog kong kasamaan?
Para ‘di mahalata, ay aking dinaan ang pagpatay sa pandiwang makabuluhan
Atin lang

Apat na letrang may tangan ng apat na milyong ulit ng bangis
Hindi nakuntento sa panaginip sinabuhay ko imbis
Ipagpatuloy ang pagtulog, sumagasa ako sa mga panganib
Nag-iwan ng bakas sa mga nais makabawi sabay harang ng balakid

Ganid at gahaman, tinatapakan | Batang tubigan, sanay maputikan
Bagama't puro, utak at puso, kapag naabuso, handang madungisan
Kaya hwag nang magtangka pang sumagot nang pabalang
Matamis mang magsalita, matalim ang dila ng sikmurang halang

Magwawakas na rin ang pagdadalamhati
Sa pamamagitan ng tula namin ang iyong ngiti
Minsan ka na lang makarinig ng walang halong landi
Tipong mapapatayo ka kahit sugatan ang binti

Aming minimithi na maging binhi ng pagbabago sa mga isip na pilit i-
Sinasarado | Aming titik ang magsisilbing bakal na maso, pampalaya sa sinisikil

Pare ituring mo kaming tumatapik, sa mga nagdedeliryong dapat naghahasik
Nanlalamig, aming sinasampal upang magising isip na ngawit

Di makapaniwala sa kung pano kami bumirit, ang mga ‘di sumangayon ay nagkakandirit

Mga tunay na kawal ng kultura muling nagbabalik
Most Read Blkd Lyrics
» Taksil
» Sugod
» Bente


country thunder alberta 2026 could be calgary’s loudest early-summer weekend yet
Country Thunder Alberta 2026 Could Be Calgary’s Loudest Early-summer Weekend Yet
Chris Page - 28 Feb 2026
amy taylor’s legal battle explained: why the amyl and the sniffers photographer case is getting so much attention
Amy Taylor’s Legal Battle Explained: Why The Amyl And The Sniffers Photographer Case Is Getting So Much Attention
Sasha Mednikova - 26 Feb 2026
celebrity singer weight loss stories: what really changes behind the scenes
Celebrity Singer Weight Loss Stories: What Really Changes Behind The Scenes
Faith Thompson - 22 Feb 2026
microphone to movie star: 3 american icons who smashed box office records
Microphone To Movie Star: 3 American Icons Who Smashed Box Office Records
Evren E. - 14 Feb 2026
becky g’s anti-ice manicure ignites debate at musicares 2026
Becky G’s Anti-ice Manicure Ignites Debate At Musicares 2026
Chris Page - 31 Jan 2026
Browse: