Home Page »  B »  Blkd
   

Sugod Lyrics


Blkd Sugod

[Produced by DJ Umph]

[Verse 1: BLKD]
Daan-daang taon
Sa pagkabusabos tayo'y nakabaon
Mula no'ng panahon
Ng mga banyagang mananakop magpahanggang sa ngayon
Nagbabago lang ang kulay ng kahon
Tayo'y nakakulong, dukha, at gutom
Hangga't nakaangat mga buwayang nakabarong
Pag-unlad ay paurong o gumagapang paahon
Masdan, manipulado ang kaayusan
Para magsilbi sa naghaharing iilan
Pinagkakaitan tayo ng kaunlaran
Pagka't puhunan nila ang ating karukhaan
Sa kanila tayo'y mga pyesa lamang
Ng makinang tagalikha ng
Kanilang yamang labis-labis
Makinang langis ay ating pawis
Sinong mayayaman? (Sila-sila lang!)
Sinong namumuno? (Sila-sila rin!)
Tayo'y naghahati sa tira-tira lang
Habang yaman ng bayan ang kanilang piging
Sinong namumuno? (Sila-sila lang!)
Sinong yumayaman? (Sila-sila rin!)
Tayo'y binuburo sa panlilinlang
Sagabal sa pagsulong dapat gibain

[Verse 2: BLKD]
Walang kapaguran
Tayo ang babago sa sumpang kaayusan
Papandayin ang mga patakaran
Upang pantayin ang mga kalakaran
Walang pagmamalabis sa ating paghakbang
Panawagan lamang ay mga karapatan
At kaunlarang makatarungan
Dama sa kalunsuran at kanayunan
Matagal na tayong nakikiusap
Mga bingi-bingihan dapat nang itulak
May hangganan ang lakas ng batikos
Dapat may sama-samang pagkilos
Demokrasya ay isabuhay
Maka-nakararami ang diwang tunay
Hindi ibabalik ng mga gahaman
Atin nang bawiin ang kapangyarihan
Ito'y digma laban sa kagutuman at kahirapan
Ito'y digma laban sa pagkakait ng mga karapatan
Ito'y digma laban sa pambababoy sa pamahalaan
Ito'y digma laban sa pagsasamantala sa sambayanan

[Hook: MC Sacay]
Inalay man ang buhay
Mananatili ka sa aming puso
Ala-alang patunay
Ang sumugod at lumaban ay patuloy mag-aalab ang sulo

[Outro]
Mga kapatid, sugod! (Sugod!)
Mga kapatid, sugod! (Sugod!)
Mga kapatid, sugod! (Sugod!)
Mga kapatid, sugod! (Sugod!)
Mga kapatid, sugod! (Sugod!)
Mga kapatid, sugod! (Sugod!)
Mga kapatid, sugod! (Sugod!)
Mga kapatid, sugod! (Sugod!)
Mga kapatid, sugod! (Sugod!)
Mga kapatid, sugod! (Sugod!)
Mga kapatid, sugod! (Sugod!)
Mga kapatid, sugod! (Sugod!)
Mga kapatid, sugod! (Sugod!)
Mga kapatid, sugod! (Sugod!)
Mga kapatid, sugod! (Sugod!)
Mga kapatid, sugod! (Sugod!)
Most Read Blkd Lyrics
» Taksil
» Bente
» Kawal


country thunder alberta 2026 could be calgary’s loudest early-summer weekend yet
Country Thunder Alberta 2026 Could Be Calgary’s Loudest Early-summer Weekend Yet
Chris Page - 28 Feb 2026
amy taylor’s legal battle explained: why the amyl and the sniffers photographer case is getting so much attention
Amy Taylor’s Legal Battle Explained: Why The Amyl And The Sniffers Photographer Case Is Getting So Much Attention
Sasha Mednikova - 26 Feb 2026
celebrity singer weight loss stories: what really changes behind the scenes
Celebrity Singer Weight Loss Stories: What Really Changes Behind The Scenes
Faith Thompson - 22 Feb 2026
microphone to movie star: 3 american icons who smashed box office records
Microphone To Movie Star: 3 American Icons Who Smashed Box Office Records
Evren E. - 14 Feb 2026
becky g’s anti-ice manicure ignites debate at musicares 2026
Becky G’s Anti-ice Manicure Ignites Debate At Musicares 2026
Chris Page - 31 Jan 2026
Browse: