Home Page »  S »  Siakol
   

Tsismis Lyrics


Siakol Tsismis


Sa tindahan ni Aling kuwan may mga kababaihan
Dalaga may asawa man nagkakaumpukan
Simbolo ba ng pag kakaisa tulong tulong sama-sama
Oh dahilan ba ng problema ang kapitbahay mong mga tsismosa

Meron na naman bang bago?
Silang hindi naman apektado
Pati buhay ng may buhay
Kanilang kinakalaykay

At pag tingin mo sas kaliwa, paninira pa rin sa kapwa
Ng mga kalalakihang makakati rin ang dila
Kahit sa tawa'y mamilipit, tuloy pa rin sa panlalait
Akala mo'y may nakamit mga tsismosong dahil sa inggit

Meron na naman bang bago?
Silang hindi naman apektado
Pati buhay ng may buhay
Kanilang kinakalaykay

[Chorus]
Ba't bibili pa ng d'yaryo o makikinig sa radyo
Tumambay lang sa bawat kanto sari-sari pang sikreto
Buksan maige ang 'yong tenga at 'wag kang tatanga-tanga
Baka ang topic sa intriga ikaw pala ang bida

Itong si mister at si misis ang hari at reyna ng tsismis
Pag mulat pa lang ng mata naghahanap na ng kaparis
Mga nagtatalsikang laway sa araw-araw hanap buhay
Akala mo'y usapang tunay eh sila sila ang dating magkaaway

Meron na naman bang bago?
Silang hindi naman apektado

Akala mo'y mga malilinis mga isipang madudungis

Ba't bibili pa ng d'yaryo o makikinig sa radyo
Tumambay lang sa bawat kanto sari-sari pang sikreto
Buksan maige ang 'yong tenga at 'wag kang tatanga-tanga
Baka ang topic sa intriga ikaw pala ang bida

Meron na naman bang bago?
Silang hindi naman apektado
Pati buhay ng may buhay
Kanilang kinakalaykay

Ba't bibili pa ng d'yaryo o makikinig sa radyo
Tumambay lang sa bawat kanto sari-sari pang sikreto
Buksan maige ang 'yong tenga at 'wag kang tatanga-tanga
Baka ang topic sa intriga ikaw pala ang bida
Kaya mag ingat ka pag sila'y iyong nakita
Ngumiti kang pang-famas ng di ka ma-broadcast bukas



benny blancos mother faces terrifying home invasion in studio city
Benny Blanco's Mother Faces Terrifying Home Invasion In Studio City
Faith Thompson - 26 Nov 2025
ariana grande hints at pausing tours after 2026 eternal sunshine shows
Ariana Grande Hints At Pausing Tours After 2026 Eternal Sunshine Shows
Sasha Mednikova - 18 Nov 2025
tate mcrae unveils deluxe edition of hit album
Tate Mcrae Unveils Deluxe Edition Of Hit Album
Evren E. - 10 Nov 2025
smell like your favorite singer: fragrances inspired by music icons
Smell Like Your Favorite Singer: Fragrances Inspired By Music Icons
Chris Page - 03 Nov 2025
inside the mansions of america’s richest singers
Inside The Mansions Of America’s Richest Singers
Sasha Mednikova - 28 Oct 2025
Browse: