Home Page »  S »  Siakol
   

Aso Lyrics


Siakol Aso


Ako’y may alaga asong mataba
Buntot ay mahaba, makinis ang mukha
Mahal niya ako, mahal ko rin sya
Kaya kaming dalawa ay laging magkasama

Kung ako ay aalis, siya’y sumusunod
Sa aking pagbabalik pamawi ng pagod
Mahal niya ako, mahal ko rin sya
Hindi lang sya alaga, kaibigan ko pa

Kahit hayop ay dapat ring mahalin
Lalo’t maamo at masunurin
Sila’y alagaan at wag pababayaan
Tao at hayop may unawaan

Sa aking pag iisa aso ko ang kasama
Sa aking pagtulog, katabi ko sa kama
Mahal niya ako, mahal ko rin sya
Pag lalambing niya aking damang dama

Pag siya’y binabato, aking pinagtatanggol
Pag ako’y inaaway, kanyang tinatahol
Mahal niya ako, mahal ko rin sya
Kaibigan tunay sa hirap at ginhawa

Kahit hayop at dapat ding mahalin
Lalo’t maamo at masunurin
Ngunit minsan ay di mo rin akalain
Ang pangyayari ay nagbabago rin

Kahol sya ng kahol, ang aso ko’y nauulol
Laking gulat ko pati ako ay hinabol
Mahal niya ako, mahal ko rin sya
Kaya ganon nalang ang aking pagtataka

Ako’y may alaga asong mataba
Bunto’t ay mahaba, makinis ang mukha
Kinagat niya ako, kinagat ko rin sya
Ang kawawa kong alaga, pulutan ko na



benny blancos mother faces terrifying home invasion in studio city
Benny Blanco's Mother Faces Terrifying Home Invasion In Studio City
Faith Thompson - 26 Nov 2025
ariana grande hints at pausing tours after 2026 eternal sunshine shows
Ariana Grande Hints At Pausing Tours After 2026 Eternal Sunshine Shows
Sasha Mednikova - 18 Nov 2025
tate mcrae unveils deluxe edition of hit album
Tate Mcrae Unveils Deluxe Edition Of Hit Album
Evren E. - 10 Nov 2025
smell like your favorite singer: fragrances inspired by music icons
Smell Like Your Favorite Singer: Fragrances Inspired By Music Icons
Chris Page - 03 Nov 2025
inside the mansions of america’s richest singers
Inside The Mansions Of America’s Richest Singers
Sasha Mednikova - 28 Oct 2025
Browse: