Home Page »  E »  Eurika
   

Himig Ng Pangarap Lyrics


Eurika Himig Ng Pangarap


Ang ihip ng hangin, pagpatak ng ulan,
Ang agos ng tubig ay aking naririnig;
Tinig ng ibon sa akin ay umaawit;
Ang puso't isip ko'y dinuduyan sa langit
Na tila ba isang himig na siyang pumupukaw sa natutulog kong daigdig.

Ito ang himig ng pangarap na nagbibigay pag-asa sa bawat isa,
'Pagkat ang himig ng pangarap na kayang abutin kahit na mga bituin...
Ang himig ng pangarap.

Saan man makarating ay lilingon pa rin;
Sa agos ng buhay, dapat ay maging matibay;
Ang buhay ay isang himig;
Kapag naririnig, ang puso mo'y umaawit.

Ito ang himig ng pangarap na nagbibigay pag-asa sa bawat isa,
'Pagkat ang himig ng pangarap na kayang abutin kahit na mga bituin...

Ang sinag mo'y nagsilbing liwanag
Sa 'king landas na tinatahak
Upang aking makamit, minimithi kong pangarap;
Sa himig na ito'y matutupad...

'Pagkat ang himig ng pangarap na kayang abutin kahit na mga bituin...

Ito ang himig ng pangarap na nagbibigay pag-asa sa bawat isa,
'Pagkat ang himig ng pangarap na kayang abutin kahit na mga bituin...
Ang himig ng. pangarap...

Song Meanings for Himig Ng Pangarap




Browse:

Copyright © 2005 - 2020 LyricsKid (0.004 seconds)