Home Page »  E »  Eurika
   

H'wag Kang Bibitiw Lyrics


Eurika H'wag Kang Bibitiw


Iguhit mo ang iyong pangarap
Habang ang liwanag ng araw ay natatanaw;
Sige at hawiin ang tinik sa iyong mga landas
Nasa palad mo ganda ng iyong bukas.

Ang buhay ay sadyang makulay,
Tigib ng pagsubok ang mundong ating nagisnan
Ngunit ang sugat at hapdi na ating naramdaman
Ay siyang lunas upang maging matibay.

Ating umaga'y may hiwaga at ganda
Mithiin ng puso'y bukas madarama
Sa Maylikha, h'wag kang bibitiw
Pangarap mo'y mararating
Pinagmulan ay huwag mo lang limutin.

Gawing ginto ang bawat oras
Ang mga mithiin, huwag nang ipagpabukas pa;
Bago dumilim ang langit, unos ay dumating,
Sumilong ka, sa Diyos ika'y kumapit.

Ating umaga'y may hiwaga at ganda
Mithiin ng puso'y bukas madarama
Sa Maylikha, h'wag kang bibitiw
Pangarap mo'y mararating
Pinagmulan ay huwag mo lang limutin.

Ohhh...
Ohhhhh...

Ating umaga'y may hiwaga at ganda
Mithiin ng puso'y bukas madarama
Sa Maylikha, h'wag kang bibitiw
Pangarap mo'y mararating
Pinagmulan... ay huwag mo lang limutin...

Pinagmulan ay huwag mo lang limutin...

Song Meanings for H'wag Kang Bibitiw




Browse:

Copyright © 2005 - 2020 LyricsKid (0.002 seconds)