Home Page »  P »  Parokya Ni Edgar
   

Alumni Homecoming Lyrics


Parokya Ni Edgar Alumni Homecoming


Napatunganga nung bigla kitang makita
Pagkalipas ng mahabang panahon
High school pa tayo nung una kang nakilala
At tandang tanda ko pa

Noon pa may sobrang lupit mo na
Hindi ko lang alam kung pano
Basta biglang nagsama tayo
Di nagtagal ay napaibig mo ako

Mula umaga hanggang uwian natin
Laging magkasama tayong dalawa
Parang kahapon lang nangyari sa 'kin ang lahat
Tila isang tulang medyo romantiko ang banat

Ngunit nung napag-usapan
Bigla na lang nagkahiyaan
Mula noon hindi na tayo nagpansinan

Chorus:
At bakit ko ba pinabayaan
Mawala ng hindi inaasahan
Parang nasayang lang
Nawala na, wala nang nagawa

Panay ang plano
Ngunit panay ang urong
At inabot na ng dulo ng taon
Graduation natin nung
Biglang nag-absent partner ko
Tadhana nga naman, naging mag-partner tayo
Eksakto na ang timing
Planado na ang sasabihin
Ngunit hanggang huli
Wala akong nasabi

Chorus:
At bakit ko ba pinabayaan
Mawala ng hindi inaasahan
Parang nasayang lang
Nawala na, wala nang nagawa

Napatunganga nung bigla kitang makita
Pagkalipas ng mahabang panahon
Sobrang alam ko na ang aking sasabihin
At ako'y napailing sa ganda ng ngiti mo sa'kin
At nung ikaw ay nilapitan
Bigla na lang napaligiran
Ng iyong mga anak mula
Sa pangit mong asawa

Chorus:
At bakit ko ba pinabayaan
Mawala ng hindi inaasahan
Parang nasayang lang
Nawala na, wala nang nagawa

Bakit ko ba pinabayaan
Mawala ng hindi inaasahan
Parang nasayang lang
Nawala na, wala nang nagawa

Wala ng nagawa...
Wala ng nagawa...
Wala ng nagawa...

Most Read Parokya Ni Edgar Lyrics
» Buloy
» Gitara


the digital vault: how unreleased pop albums end up on the black market
The Digital Vault: How Unreleased Pop Albums End Up On The Black Market
Evren E. - 13 Sep 2026
from streaming to the stage: how music discovery is changing concert culture
From Streaming To The Stage: How Music Discovery Is Changing Concert Culture
Sasha Mednikova - 28 Aug 2026
behind the curtains: the logistical nightmare of stadium tours
Behind The Curtains: The Logistical Nightmare Of Stadium Tours
Chris Page - 17 Aug 2026
post malone to perform at 2026 fifa world cup closing ceremony
Post Malone To Perform At 2026 Fifa World Cup Closing Ceremony
Faith Thompson - 14 Jul 2026
music, tours, and motherhood: how rihanna stays connected on the road
Music, Tours, And Motherhood: How Rihanna Stays Connected On The Road
Evren E. - 29 Jun 2026
Browse: