Home Page »  J »  Juris
   

Hanggang Wakas Lyrics


Juris Hanggang Wakas


Kay tagal kong naghanap ng isang katulad mo
Katuparan ng pangarap ang ako'y mahalin mo
Katangi-tangi kang handog ng Maykapal sa akin
Ngayon nagtatanong bakit bigla kang babawiin
Kung kailan pa natagpuan pag-ibig na walang hanggan
Saka naman puputulin ng isang mabigat na karamdaman

Kung puwede lang pigilan ang takbo ng sandali
At pahabain mga araw na ika'y nandito lang sa aking tabi
Mamahalin pa rin kita
Kahit na alam ko na mawawala ka
Asahan mong pag-ibig ko'y wagas
Tayong dalawa hanggang wakas

Huwag ka nang mag-alala na ako'y mag-iisa
Pipilitin kong kayanin masakit mang tanggapin
Katangi-tangi kang handog ng Maykapal sa akin
Ngayon di na magtatanong kung bakit babawiin
Alam ko na ito'y paalam lang na pansamantala
Balang araw ikaw rin at ako ay muling magkakasama

Kung puwede lang pigilan ang takbo ng sandali
At pahabain mga araw na ika'y nandito lang sa aking tabi
Mamahalin pa rin kita
Kahit na alam ko na mawawala ka
Asahan mong pag-ibig ko'y wagas
Tayong dalawa hanggang wakas

Asahan mong pag-ibig ko'y wagas
Tayong dalawa hanggang wakas



most anticipated las vegas concerts and festivals in 2026
Most Anticipated Las Vegas Concerts And Festivals In 2026
Sasha Mednikova - 16 Dec 2025
debby ryan and josh dun welcome baby felix winter dun
Debby Ryan And Josh Dun Welcome Baby Felix Winter Dun
Evren E. - 13 Dec 2025
sabrina carpenter condemns use of juno in white house ice video
Sabrina Carpenter Condemns Use Of Juno In White House Ice Video
Chris Page - 02 Dec 2025
benny blancos mother faces terrifying home invasion in studio city
Benny Blanco's Mother Faces Terrifying Home Invasion In Studio City
Faith Thompson - 26 Nov 2025
ariana grande hints at pausing tours after 2026 eternal sunshine shows
Ariana Grande Hints At Pausing Tours After 2026 Eternal Sunshine Shows
Sasha Mednikova - 18 Nov 2025
Browse: