Home Page »  G »  Gary Granada
   

Minsa'y Isang Bansa Lyrics


Gary Granada Minsa'y Isang Bansa


Minsa'y isang bansa ang nangangarap
Nangarap sa gitna ng karimlan
Makapagpahinga nawa sa hirap
At makawala sa kawalan

Bayang nababalot ng hiwaga
Hindi ka ba namamangha
Lupa na sagana't pinagpala
Bakit naglipana ang dukha

Minsa'y isang bansang nakipaglaban
Nag-alay ng kanyang mga anak
Hangad ang magandang kinabukasang
Tinatamasa ng lahat

Ano nga ba'ng saysay ng Pugad Lawin
Kung ang madla'y aba't mangmang
Ang EDSA ba ay may ibig sabihin
Sa mga tiyang kumakalam

Minsa'y isang bansang nagbayanihan
Upang iahon ang munting dampa
Subali't sa halip na kabutihan
Sa tiwali't digma muling nasalanta

Ako'y nakikiusap sa may kaya
Sa abot ng inyong kakayanan
Ipalaganap ang hustisya
At kalingahin ang sambayanan

Minsa'y isang bansa ang nagsisikap
Na samantalahin ang panahon
Minsa'y isang bansa ang nangangarap
Na sana'y mahalin mo na ngayon



benny blancos mother faces terrifying home invasion in studio city
Benny Blanco's Mother Faces Terrifying Home Invasion In Studio City
Faith Thompson - 26 Nov 2025
ariana grande hints at pausing tours after 2026 eternal sunshine shows
Ariana Grande Hints At Pausing Tours After 2026 Eternal Sunshine Shows
Sasha Mednikova - 18 Nov 2025
tate mcrae unveils deluxe edition of hit album
Tate Mcrae Unveils Deluxe Edition Of Hit Album
Evren E. - 10 Nov 2025
smell like your favorite singer: fragrances inspired by music icons
Smell Like Your Favorite Singer: Fragrances Inspired By Music Icons
Chris Page - 03 Nov 2025
inside the mansions of america’s richest singers
Inside The Mansions Of America’s Richest Singers
Sasha Mednikova - 28 Oct 2025
Browse: