Home Page »  G »  Gary Granada
   

Hanggang Kailan, Hanggang Saan Lyrics


Gary Granada Hanggang Kailan, Hanggang Saan

Sa isang yugto, ang rosas ay
Matutuyo, mamamatay
Katulad ng marami nang sumpaan
Sa isang puwang ng hininga
Nagbago ang isa't isa
May aalis at may isang iiwan
Tayo kaya ay magtatagal
O sing-ikli ng isang kanta
Gaano kaya kung magmahal
Hanggang kailan, hanggang saan sinta
Sa isang iglap magbabalik
Sa isang sulyap, sa isang halik
Maya-maya ay minsan pang lilisan
Minsang sumpa'y nakakalas
At sugat ay dumadalas
Paano pa, paano lulunasan
Tayo kaya, mangangako pa
Kung ang tamis di na madama
Dapat kaya, dapat pa ba
Hanggang kailan, hanggang saan sinta
Hangga't buo pa ang daigdig
At puso ko ay may pintig
Hangga't mayrong saysay ang kasaysayan
Ang tagginaw at tagtuyot
Ang tagpanglaw at taglungkot
Sa piling mo'y aking makakayanan
Hanggang tilas ay magbagong-anyo
Hanggang sila'y maging paruparo
Giliw sana'y pag-ibig mo
Katulad ng pag-ibig ko sa iyo
Hanggang ako't ika'y naririto


benny blancos mother faces terrifying home invasion in studio city
Benny Blanco's Mother Faces Terrifying Home Invasion In Studio City
Faith Thompson - 26 Nov 2025
ariana grande hints at pausing tours after 2026 eternal sunshine shows
Ariana Grande Hints At Pausing Tours After 2026 Eternal Sunshine Shows
Sasha Mednikova - 18 Nov 2025
tate mcrae unveils deluxe edition of hit album
Tate Mcrae Unveils Deluxe Edition Of Hit Album
Evren E. - 10 Nov 2025
smell like your favorite singer: fragrances inspired by music icons
Smell Like Your Favorite Singer: Fragrances Inspired By Music Icons
Chris Page - 03 Nov 2025
inside the mansions of america’s richest singers
Inside The Mansions Of America’s Richest Singers
Sasha Mednikova - 28 Oct 2025
Browse: