Home Page »  G »  Gary Granada
   

Mabuti Pa Sila Lyrics


Gary Granada Mabuti Pa Sila

[English Translation]

Mabuti pa ang mga surot, laging mayro'ng masisiksikan
Mabuti pa ang bubble gum, laging mayrong didikitan
Mabuti pa ang salamin, laging mayro'ng tumitingin
Di tulad kong laging walang pumapansin

Mabuti pa ang mga lapis, sinusulatan ang papel
At mas mapalad ang kamatis, maya't maya napipisil
Napakaswerte ng bayong, hawak ng aleng maganda
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa

Ano ba'ng wala ako na mayro'n sila
Di man lang maka-isa habang iba'y dala-dal'wa
Pigilan n'yo akong magpatiwakal
Mabuti pa ang galunggong nasasabihan ng 'mahal'

Kahit ang suka ay may toyo at ang asin may paminta
Mabuti pa ang lumang dyaryo at yakap-yakap ang isda
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa

Mabuti pa ang simpleng tissue at laging nahahalikan
Mabuti pa ang mga bisyo, umaasang babalikan
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa

[Interlude]

Pigilan n'yo akong magpatiwakal
Bakit si Gabby Concepcion lagi na lang kinakasal

Mabuti pa ang mga isnatser, palaging may naghahabol
Ang aking luma na computer, mayron pa ring compatible
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa


benny blancos mother faces terrifying home invasion in studio city
Benny Blanco's Mother Faces Terrifying Home Invasion In Studio City
Faith Thompson - 26 Nov 2025
ariana grande hints at pausing tours after 2026 eternal sunshine shows
Ariana Grande Hints At Pausing Tours After 2026 Eternal Sunshine Shows
Sasha Mednikova - 18 Nov 2025
tate mcrae unveils deluxe edition of hit album
Tate Mcrae Unveils Deluxe Edition Of Hit Album
Evren E. - 10 Nov 2025
smell like your favorite singer: fragrances inspired by music icons
Smell Like Your Favorite Singer: Fragrances Inspired By Music Icons
Chris Page - 03 Nov 2025
inside the mansions of america’s richest singers
Inside The Mansions Of America’s Richest Singers
Sasha Mednikova - 28 Oct 2025
Browse: