Home Page »  E »  Ebe Dancel
   

Dear Kuya Lyrics


Ebe Dancel Dear Kuya

Dear kuya, kumusta ka na dyan?
Anong balita, malamig ba dyan?
Dito mainit, ngunit kung bumagyo
Para bang lahat ng tubig sa mundo ay nandito

Matagal na rin, mula nang ika'y
Magpasyang subukan ang swerte
At abutin ang 'yong mga pangarap sa ibang bansa
Kung saan ikaw ay lagin mag-isa
Kami tuloy dito, nag-aalala

Nasan ka man ngayon
Ano man oras na ika'y may kailangan
Tawag ka lang sa amin
At parang nandito ka na rin
Parang nandito ka na rin

Oo nga pala, kung nasa 'yo pa
Ang checkered na polo ko, sa 'yo na yan
Hanap ka na rin ng maraming mapapaglibangan
Dahil balita ko mahal daw ang sine dyan

Dambuhala daw ang mga pinapakain dyan
Tataba ka malamang
Miss mo na bang magtagalog?
Kuya pag may kumausap sa 'yo
Galingan mong mag-ingles, galingan mo kuya

Nasan ka man ngayon
Ano man oras na ika'y may kailangan
Tawag ka lang sa amin
At parang nandito ka na rin

Nasan ka man ngayon
Ano man oras na ika'y may kailangan
Tawag ka lang sa amin
At parang nandito ka na rin
Parang nandito ka na rin

Dear kuya, hinahanap ka ni mama at daddy
Sulat ka palagi
Miss ka namin, pati nga kapitbahay nagtatanong
San ka raw nagpunta? San ka raw nagpunta?
Nasan ka na kuya?

Nasan ka man ngayon
Ano man oras na ika'y may kailangan
Tawag ka lang sa amin
At parang nandito ka na rin

Nasan ka man ngayon
Ano man oras na ika'y may kailangan
Tawag ka lang sa amin
At parang nandito ka na rin
Parang nandito ka na rin
Parang nandito ka na rin
Parang nandito ka na rin
Most Read Ebe Dancel Lyrics
» Cuida
» Kwarto


most anticipated las vegas concerts and festivals in 2026
Most Anticipated Las Vegas Concerts And Festivals In 2026
Sasha Mednikova - 16 Dec 2025
debby ryan and josh dun welcome baby felix winter dun
Debby Ryan And Josh Dun Welcome Baby Felix Winter Dun
Evren E. - 13 Dec 2025
sabrina carpenter condemns use of juno in white house ice video
Sabrina Carpenter Condemns Use Of Juno In White House Ice Video
Chris Page - 02 Dec 2025
benny blancos mother faces terrifying home invasion in studio city
Benny Blanco's Mother Faces Terrifying Home Invasion In Studio City
Faith Thompson - 26 Nov 2025
ariana grande hints at pausing tours after 2026 eternal sunshine shows
Ariana Grande Hints At Pausing Tours After 2026 Eternal Sunshine Shows
Sasha Mednikova - 18 Nov 2025
Browse: