Gising Na Kaibigan Ko Lyrics


Bayang Barrios Gising Na Kaibigan Ko

Nakita mo na ba ang mga bagay

Na dapat mong makita

Nagawa mo na ba ang mga bagay

Na dapat mong ginawa

Kalagan na ang tali sa paa

Imulat na ang 'yong mga mata

Kay sarap ng buhay

Lalo na't alam mo kung saan papunta

Gising na kaibigan ko

Ganda ng buhay ay nasa sa 'yo

Ang oras daw ay ginto

Kinakalawang lang 'pag ginamit mo

May mga taong bulag

Kahit dilat ang mata

May mga taong tinatalian

Sariling kamay at paa

Problema'y tinatalikdan

Salamin sa mata'y hindi makita

Kay sarap ng umaga

Lalo na't kung ika'y gising

Tanghali'y maligaya

Kung ika'y may makakain

Ang gabi ay mapayapa

Kung mahal sa buhay ay kapiling

Kay sarap ng buhay

Lalo na't alam mo kung saan papunta

Gising na kaibigan ko

Ganda ng buhay ay nasa sa 'yo

Ang oras daw ay ginto

Kinakalawang lang 'pag ginamit mo

Kailan ka pa magbabago

Kailan ka pa matututo

Ang lahat ng ilog sa dagat patungo

Buksan ang isipan at mararating mo

Kay ganda ng buhay sa mundo

Nakita mo na ba ang mga bagay

Na dapat mong makita

Nagawa mo na ba ang mga bagay

Na dapat mong ginawa

Kalagan na ang tali sa paa

Imulat na ang 'yong mga mata

Kay sarap ng buhay

Lalo na't alam mo kung saan papunta

Kay sarap ng buhay

Lalo na't alam mo kung saan papunta

Kay sarap ng buhay

Lalo na't alam mo kung saan papunta

Most Read Bayang Barrios Lyrics



Latest Music News