Home Page » B » Bini

Infinity Lyrics


Bini Infinity

[Intro]
Ulit-ulit, ulit-ulit, kahit pa
Ulit-ulit, ulit-ulit, kahit pa

[Verse 1: Gwen, Colet]
Mga araw ng bagong pahina
Sa ating bawat paghinga, sinisigaw ay iisa
Sa bawat pagpatak ng luha
Ay sumisibol ang pangarap, 'di malilimutan ang nakaraan

[Pre-Chorus: Stacey, Mikha]
Oh, kahit hindi maging madali
Ko'y naririto sa iyong tabi
Ang bawat araw ay malalagpasan

[Chorus: Maloi, Jhoanna]
Bitawan man ng mundo
Isipan ma'y magulo
Nagkaroon ng pangarap na magkakasamang nabuo
Ilalaban hanggang dulo
Pangako na subukin man ang panahon, magbago man

[Post-Chorus: Aiah, Sheena]
Kahit paulit-ulit, ulit-ulit
Kahit paulit-ulit, ulit-ulit
Kahit paulit-ulit
Ikaw at ikaw lang ang dahilan
Paulit-ulit babalikan

[Verse 2: Mikha, Jhoanna]
Kung ibabalik man ako sa'ting nakaraan
Ay 'di matatakot na babalik-balikan
Lahat ng pagod na pinagdaanan
Kung kapalit ng lahat ay kasiyahan
'Di maipaliwanag bakit
Ikaw ang pipiliin ko kahit
Mahirap man, basta't lagi and'yan sa'yong tabi

[Chorus: Aiah, Sheena]
Bitawan man ng mundo
Isipan ma'y magulo
Nagkaroon ng pangarap na magkakasamang nabuo
Ilalaban hanggang dulo
Pangako na subukin man ang panahon, magbago man

[Bridge: Gwen, Maloi]
Kahit hindi maging madali
Ko'y naririto sa iyong tabi
Ang bawat araw ay malalagpasan
Kahit hindi maging madali
Mananatili bawat sandali
Walang hanggan na pagsasama

[Chorus]
[Colet, Maloi, Maloi]
Bitawan man ng mundo
Isipan ma'y magulo (Isipan ma'y magulo)
Nagkaroon ng pangarap na magkakasamang nabuo (Pangarap na magkakasamang nabuo)

[Stacey, Aiah, Jhoanna, Mikha]
Ilalaban hanggang dulo (Ilalaban hanggang dulo)
Pangako na subukin man ang panahon, magbago man (Subukin man, magbago man)

[Post-Chorus]
[All, Colet, Sheena, Stacey]
Kahit paulit-ulit, ulit-ulit
Kahit paulit-ulit, ulit-ulit (Paulit-ulit man)
Kahit paulit-ulit, ulit-ulit (Oh, woah)
Kahit paulit-ulit
Oh, kahit na paulit-ulit

[All, Gwen, Stacey]
Kahit paulit-ulit, ulit-ulit (Ikaw at ikaw)
Kahit paulit-ulit, ulit-ulit (Oh)
Kahit paulit-ulit, ulit-ulit (Ooh)
Kahit paulit-ulit

[Outro: All, Jhoanna, Maloi]
Ulit-ulit, ulit-ulit (Oh, woah)
Kahit paulit-ulit, ulit-ulit (Oh, woah)
Kahit paulit-ulit
Ikaw at ikaw lang ang dahilan
Paulit-ulit babalikan

Most Read Bini Lyrics

» Lagi
» Karera
» Katabi
» 8


Latest Music News