Nagmamakaawa Lyrics


Roselle Nava Nagmamakaawa

Alam mo na mahal kita

Bakit, nagagawa mo pa

Nakalimutan ang damdamin ko sa 'yo

Gayong laging ikaw

Ang siyang lahat sa puso't isip ko

Bakit sinasaktan mo ba ako

Kapag ikaw ay kapiling niya

Ako ba'y naiisip mo ba

Na naghihintay at umaasa

Na ako lang at walang iba

Naaalala mo pa kaya ako

Kapag siya na ang kapiling mo

Nakikiusap ako at nagmamakaawa sa 'yo

Siya ba'y mauunawaan ka

Kapag nagtataksil ka na

Tulad ng mga ginagawa mo sa 'kin

At makakaya ba niya

Ang mga sakit na dinudulot mo

Na tumutusok sa puso ko

Kapag ikaw ay kapiling niya

Ako ba'y naiisip mo ba

Na naghihintay at umaasa

Na ako lang at walang iba

Naaalala mo pa kaya ako

Kapag siya na ang kapiling mo

Nakikiusap ako at nagmamakaawa sa 'yo

Ilang ulit ka nang mangako na 'di na mauulit

Ang panloloko mo pati ang mga pasakit

Ilang ulit na rin kita lagi ay pinapatawad

Ngunit bakit ang mga ito'y 'di tinutupad

Kapag ikaw ay kapiling niya

Ako ba'y naiisip mo ba

Na naghihintay at umaasa

Na ako lang at walang iba

Naaalala mo pa kaya ako

Kapag siya na ang kapiling mo

Nakikiusap ako at nagmamakaawa sa 'yo

Nakikiusap ako at nagmamakaawa sa 'yo...


Latest Music News