Home Page »  K »  Kepha
   

Samo Ni David 27 Lyrics


Kepha Samo Ni David 27


Diyos ang aking Liwanag at aking Tagaligtas
Kanino matatakot? Siya ang Lakas ng aking buhay
Nang dumating ang masasama at aking mga kaaway
Upang kanilang lamunin itong ang aking laman
Sila'y nagkandarapa at sila'y nagsitumba!
Kahit libo-libo pa sila laban sa akin
Puso ko'y 'di aatras kahit gera p'ang iharap sa'kin
Dahil dito loob ko'y maging buo

Isa lang aking inaasam sa Diyos
Na ako ay titira habang buhay sa Kaniyang bahay
At makita ang Kanyang ganda at manalangin sa templo Niya

Sa oras ng panganib ako'y itatago Niya
Sa Kaniyang lilim, ako'y ipapatong sa isang bato
At ngayon ang ulo ko'y aking itataas
Sa paligid ng aking mga kalaban -at
Ako'y mag-aalay at aawit sa Kanya
Dinggin mo oh Diyos pagsamo ko sa Iyo
Kaawaan mo rin naman sana ako
At sagutin mo ang dalangin ko

'Pag sinabi Mo'ng hanapin ka (Hahanapin Kita)
Huwag Mo'ng itago ang Iyong Mukha Sa'kin
At huwag Mo akong pababayaan
Oh Diyos ng Aking Kaligtasan

'Pag iniwan ako ng mga magulang ko
Ang Diyos ang sasalo't itataas ako
Ituro Mo sa'kin ang Iyong daan Oh Diyos
At dalhin Mo 'ko sa patag na daanan
Dahil sa mga kalaban ko

H'wag mo akong isuko sa mga kalaban ko
Dahil may mga testigong 'di naman totoo
At sila'y nagsi alsa laban sakin
At may kasamang malupit na hininga

Ako'y nawalan ng malay Kung hindi ko nakita
Ang kabutihan ng Diyos Sa lupain ng buhay
Maghintay lang sa Diyos Maging matapang at
Siyang magtatatag ng iyong puso
(Mag hintay lang sa Diyos)

Most Read Kepha Lyrics
» Manika
» Agimat


inside the canadian homes of music superstars: where hitmakers actually live, work, and reset
Inside The Canadian Homes Of Music Superstars: Where Hitmakers Actually Live, Work, And Reset
Faith Thompson - 14 Mar 2026
american pop stars with business brains: how 3 singers turned fame into real brands
American Pop Stars With Business Brains: How 3 Singers Turned Fame Into Real Brands
Evren E. - 07 Mar 2026
country thunder alberta 2026 could be calgary’s loudest early-summer weekend yet
Country Thunder Alberta 2026 Could Be Calgary’s Loudest Early-summer Weekend Yet
Chris Page - 28 Feb 2026
amy taylor’s legal battle explained: why the amyl and the sniffers photographer case is getting so much attention
Amy Taylor’s Legal Battle Explained: Why The Amyl And The Sniffers Photographer Case Is Getting So Much Attention
Sasha Mednikova - 26 Feb 2026
celebrity singer weight loss stories: what really changes behind the scenes
Celebrity Singer Weight Loss Stories: What Really Changes Behind The Scenes
Faith Thompson - 22 Feb 2026
Browse: