Home Page »  K »  Kepha
   

Paraiso Lyrics


Kepha Paraiso


Kung dumating na ang oras na pumikit na ang aking mata
At nabilang na ang araw ko sa mundong kinagisnan
Ang aking kaluluwa'y hindi mapipigil ang saya
Habang ako'y dinuduyan ng mga anghel sa kalawakan
Papalapit na ang pintuan ng Kanyang Kaharian
At sasabihin Niya sa akin “Anak maligayang pagdating”

Ang paghihirap ko'y mapupunan ng rosas sa Paraiso Niya
At kung Makita ko ng mukhaan ang Kristong nag-alay ng buhay Niya
'Di ko maipinta ang aking madarama, habang buhay na kapiling Siya

Kaya ngayon 'di ko na kailangan pa ng Kayamanan
'Pagkat sa Langit ginto ang aking aapakan
Kasama ng mga dyamanteng nagkakalat lang kung saan
Hindi ko kailangan pa ng kasikatan
'Pagkat sa langit Siya ang Superstar ng bayan
Pinupuri ng bawat nilalang kailanpaman

Masamang panaginip lang' lahat
Kapag sa Langit na'ay ganap
Masisilayan ko na'ng kaluwalhatian Niya Kailanpaman

Most Read Kepha Lyrics
» Agimat
» Manika


Browse: