Home Page »  F »  Faith Cuneta
   

Minsan Pa Lyrics


Faith Cuneta Minsan Pa


Kay tagal ko nang pangarap
At lagi nang dasal
Pag-ibig na sadyang wagas
Ngunit waring kay ilap
Ng palad kong ito
At ako'y patuloy na bigo

O pusong kay sakit
Ala-alang kay pait
At kung muling balikan ang lahat ng nagdaan
Tila wala pang minahal at walang natagpuan
Nais ko sanang mag-isa't huwag ng umibig pa

Kung yan man ay totoo at manatili sa mundo
Na walang buhay
Walang kulay
Walang nagmamahal
Ngunit kung ako'y mahihintay
Umasa pa't umibig pang muli
Minsan pa

Minsan pa akong nangarap
At sana'y maganap
Sa'yo'y ibibigay lahat
Narito ngayo't kailanman
Ikaw ang langit ko
Tanging ningning ng buhay ko

Halina sa piling ko
Alisin ang takot ko
At sa muling malasap
Ang pag-ibig na ganap
At ang pangarap na mundo
Ay matupad sa piling mo
Ayaw ko nang muling mabuhay na nag-iisa

Ikaw ang simula't wakas
Ang ngayon at ang bukas
Ikaw ang pag-asa habang buhay
Mahal pa rin kita
At hanggang wakas
Pag-ibig ko'y sadyang wagas
Ngayon at kailanman...
Aahhh...

At ang pangarap na mundo
Ay matupad sa piling mo
Ayaw ko nang muling mabuhay na nag-iisa

Ikaw ang simula't wakas
Ang ngayon at ang bukas
Ikaw ang pag-asa habang buhay
Mahal pa rin kita
At hanggang wakas
Pag-ibig ko'y sadyang wagas
Ngayon at kailanman
Minsan pa



cardi b and nyc mayor launch jingle contest for free childcare
Cardi B And Nyc Mayor Launch Jingle Contest For Free Childcare
Chris Page - 03 Apr 2026
afroman scores court win in ohio after deputies’ defamation case falls apart
Afroman Scores Court Win In Ohio After Deputies’ Defamation Case Falls Apart
Evren E. - 21 Mar 2026
shawn mendes and bruna marquezine spark fresh dating buzz after malibu walk
Shawn Mendes And Bruna Marquezine Spark Fresh Dating Buzz After Malibu Walk
Sasha Mednikova - 18 Mar 2026
inside the canadian homes of music superstars: where hitmakers actually live, work, and reset
Inside The Canadian Homes Of Music Superstars: Where Hitmakers Actually Live, Work, And Reset
Faith Thompson - 14 Mar 2026
american pop stars with business brains: how 3 singers turned fame into real brands
American Pop Stars With Business Brains: How 3 Singers Turned Fame Into Real Brands
Evren E. - 07 Mar 2026
Browse: