Home Page »  E »  Eurika
   

Mamang Sorbetero Lyrics


Eurika Mamang Sorbetero


Mamang sorbetero, anong ngalan mo?
Tinda mong ice cream, gustong-gusto ko
Init ng buhay, pinapawi mo
Sama ng loob, nalilimutan ko

Mamang sorbetero, tayo'y sumayaw
Kalembang mong hawak, muling ikaway
Batang munti, sa 'yo'y naghihintay
Bigyang ligaya ngayong tag-araw

Masdan ang ulap sa himpapawid
Korteng sorbetes sa pisngi ng langit
Mata ng dalaga'y nananaginip
Mayro'ng sikretong nasasaisip

Mainit na labi, nagbabagang mata
Sunog na pag-ibig, parang awa mo na
Mamang sorbetero, o, nasaan ka
Init ng buhay, pawiin mo na...

La la la la la...



Browse: