Home Page »  S »  Shirebound & Busking
   

Pahintulot Lyrics


Shirebound & Busking Pahintulot




[Chorus]
Giliw, kung pahihintulutan mo ako
Ipagkakatiwala ko sana sa'yo ang puso ko

[Verse 1]
Alamat lang ba ang pahinga ng dalawang puyat sa
Pira-pirasong mga bugtong, nagtatanong
Sagot ay 'di mahalaga, sapat na sa'king nariyan ka
Paumanhin, paumanhin, salat sa kasanayang linawin

[Chorus]
Giliw, kung pahihintulutan mo ako
Ay 'papakilala ko sana sa'yo ang buong mundo

[Verse 2]
Balagtasan ng nagtatapatang makatang maligalig
Ang mga tugma, limot na kung paano ang umasa

[Chorus]
Giliw, kung pahihintulutan mo ako
Ang aking hangganan ay ipapamalas ko sa'yo

[Chorus]
Giliw, 'pinakikiusap ko sa'yo
Sana'y pakaiingatan 'yang puso ko

Most Read Shirebound & Busking Lyrics


Browse: