Home Page »  J »  Joey Ayala
   

Panganay Ng Umaga Lyrics


Joey Ayala Panganay Ng Umaga

Ang panganay ng umaga'y
Sumilip sa bintana
Ako'y dumilat at nagulat
Sa lawak ng mundo
Mga buron at kabundukan
Nakahanay sa abot-tanaw
Bughaw na langit at kapatagan
Magkasintahang nagtatagpo
Lawa , ilog, dagat
Lamig, tamis, alat
Ulan, agos, alon
Haplos sa pisingi ng panahon
Sanlibong ulap nagliliparan
Kasabay ng agila at lawin
Bulong ng simoy awit ng hangin
Sigaw ng buhawi
Ako'y tao lamang
Taga-bigay ng pangalan
Taga-sukat, taga-bilang
Munting butil ng sanlibutan
Ang panganay ng umaga'y
Sumilip sa bintana
Ako'y dumilat at nagulat
Sa lawak ng mundo


Browse: