Home Page »  D »  Dello
   

Delta Lyrics


Dello Delta

Akala mo nawala, pero di mo halata
Nakamasid lang pala sya...
Mga taong palara, alimango't talangka
Hinihintay kang madapa...
Akala mo nawala, pero di mo halata
Nakamasid lang pala sya...

Nagbalik ako, akin na 'to
May mga pahaging, matic na 'to
Bulungan palaging ang topic ako
Arigatou, tangenanyo!

May mga tanong kung kailan daw ba ko babalik sa rap?
Saka anong mga bagong gawa ko at may plano bang magtrap?
Nasan na yung mga tula kong puro multi ang sangkap
Bakit ngayon ay tila iba? putangena! napasarap ang pagpapahinga
Akala nila, di ko na kaya pang makalitaw ulet
Ngayon, patay ang bacteria dito sa laway kong meron merthiolate
Nagkapunet, punet ang mga pumapel kay dello
Wag! baka masampal ng yellow pad! sabay silid ka sa eco bag!

Ang daming mga feeling rapper tapos nagiging swagger...
At kung suwagan, ako si logan meron healing power
Kailangan ko muna na magpakamasa para meron breaded butter
Pero may ahas pag nasa taas ka na, parang laro ng snake and ladder

Wack rapper, like viper
Hand-biter, back fighter
Rap cypher, bad rhymer
Dick-rider, ass-wiper
Alright sir, my answer
Hold my beer, budweiser
Black panther, x-hunter
Hulk buster, pile driver

Rewind ulit natin
Taon dalawampu at labing anim
Noong panahong ang daming amuyong
Panay ang bulong sa gig namin
Daig ko pa si magneto noon
Pati plastik dumidikit sakin
Pero nung di na mainit
Nawala na mga dati na nakikain
Ilang taon din akong nanahimik
Bigla na lamang nahinto
Ngayong nagbalik buti na lang di kinakalawang ang ginto
Ano nga bang dapat gawin ko?
Sa panimula ko, pasapak lang muna
Para sa mga nagpapaka-goat
Pero ang totoo ay anak ng tupa! naknamputa!

Akala mo nawala, pero di mo halata
Nakamasid lang pala sya...
Mga taong palara, alimango't talangka
Hinihintay kang madapa...
Akala mo nawala, pero di mo halata
Nakamasid lang pala sya...

Nagbalik ako, akin na 'to
May mga pahaging, matic na 'to
Bulungan palaging ang topic ako
Arigatou, tangenanyo!

Pagtungtong ko pa lamang dito, kilala ko na kung sino
Yung nag-iiba ang galawan, kapag nakakaamoy ng piso
At ganito na ang eksena, tambak na ng pabibo
Di na ba common ang common sense?
Ang daming nagpapanggap na matalino
Ako na mismo ang babasag sa matahimik ko na pamumuhay
Kung tutuusin, maaari na rin akong wag na magrap habambuhay
Pero gusto ko 'to at, ito ang ngarat
Sa mga nagsasabi na tunay sila
Pero pababa nanghihila, imbes na magbigay ng pugay
Makakatikim pa ng lait mula sa mga tanga na walang husay
Kaya naisipan ko nang muli ilabas ko na ang dalawang sungay
Kung sino pa yung mga butaw dito, sila pa yung maiingay
Pero sa ganitong palakasan, ang natitira lang ay yung matitibay
Para makita nila, kaliwa't kanan, kabi-kabila
Ako'y di ganung kadali magiba
Lalo't ang gamit maling salita, galing sa iba
Na ang pakay para lang anay na mapanira saka mapanlait
Marunong akong makibagay kaya nga kadalasan ay nagagamit
Pero dapat ba kong masanay na pakitaan nila ng pangit?
Bakit ko pa ipagpapasalangit kung maka-impyerno akong magalit
At kahit, kahit ano, kakampi ka o may galit kayo
Wala 'kong pake kung ayaw nyo sakin, ayaw mo sakin? tangenamo!
Mga nakaharang na matatapang, ano na nga bang kayang gawin?
Puro typebeast, nasa fb, mga comment saka selfie
Mga dummy saka poser, sige sa kalye mo palapagin
Tingnan natin kung yung tapang niya, hanggang saan kayang dalhin
Ngayon ay di ka na mapakale, tapos bigla kang mag-iinarte
Walang ambag pero nakikiparte, kala mo kung sinong matitigas eh
Para lang hypebeast sa mall, pila balde, gangsta kasi na may chicks sa tabe
Suot ang pamormang damit, malake, akala mo lagi, may simbang gabe

Panalangin mo na wag nang magkrus mga landas natin
Mga astang haring palaging makalas ang hangin
Madalas pahaging, sige lang at kumagat sa pain
Nadulas sakin na parang napatapak ka sa balat ng saging, tumba!
Ako ay super saiyan blue na
Maka-goku saka mala-vegeta
Nagiging android ka lang pag naka-fb ka
Gets mo ba? shet kita! gusto mong maging ako? replika
Tapos ang lakas ng loob mo na magmalaki pa sa akin, leche ka!

Akala mo nawala, pero di mo halata
Nakamasid lang pala sya...
Mga taong palara, alimango't talangka
Hinihintay kang madapa...
Akala mo nawala, pero di mo halata
Nakamasid lang pala sya...

Nagbalik ako, akin na 'to
May mga pahaging, matic na 'to
Bulungan palaging ang topic ako
Arigatou, tangenanyo!
Wooo
Most Read Dello Lyrics
» Sorry


Browse: