LyricsKid 
Home Page » B » Bukas Palad »

Awit Ng Paghahangad Lyrics


Bukas Palad Awit Ng Paghahangad


Awit ng Paghahangad lyrics

O, Diyos, Ikaw ang laging hanap.
Loob ko’y Ikaw ang tanging hangad.
Nauuhaw akong parang tigang na lupa
Sa tubig ng ‘Yong pag-aaruga.

Kita’y pagmamasdan sa dakong banal
Nang Makita ko ang ‘Yong pagkarangal.
Dadalangin akong nakataas aking kamay.
Magagalak na aawit ng papuring iaalay.

Refrain:
Gunita ko’y Ikaw habang nahihimlay,
Pagkat ang tulong Mo sa tuwina’y taglay.
Sa lilim ng Iyong mga pakpak,
Umaawit akong buong galak.

Aking kaluluwa’y kumakapit sa ‘Yo.
Kaligtasa’y tiyak kung hawak Mo ako.
Magdiriwang ang hari, ang Diyos,
Siyang dahilan. Ang sa iyo ay nangako,
Galak yaong makakamtan.
(Repeat Refrain)

Umaawit, umaawit, umaawit akong
buong galak.

Latest Song Meanings for Awit Ng Paghahangad
comments powered by Disqus

Browse: A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright (c) 2005 - 2017 LyricsKid (0.002 seconds)
Privacy   DMCA Policy   Contact Us   About Us