Anne Curtis Sukob Na
			Tuwing umuulan ay naaalala tayong dalawa
Kay sarap isipin
Na may kasama sa buhay pag bumaha
Chorus:
Sukob na, halika na
Sabay tayo sa payong ko
Hawak na, kapit pa
Sa payong ko magkasama tayo... 
Hinding-hindi ka pababayaan
Na mag-isa sa ulan
Aalagaan, magtatawanan
Wala na 'tong iwanan... 
Chorus 2:
Sukob na, halika na
Sabay tayo sa payong ko
Hawak ka, kapit pa
Umula't, bumagyo magkasama tayo... 
Bridge:
Di ko na inakala pa, na ika'y paririto
Ngunit salamat na lamang
At dumating ka sa buhay ko... 
(Repeat chorus 2)
Sa payong ko
Magkasama tayong dalawa...