LyricsKid 
Home Page » A » Aiza Seguerra »

Sa Huli Ang Sikat Lyrics


Aiza Seguerra Sa Huli Ang Sikat


Magmula giliw nang ika'y pumanaw
Katawan at puso ko'y walang paglagyan
Lakad ng dugo sa mukha ay madalang
Lalo't magunita ang itong palayaw

Saan pa tutungo yaring kalagayan
Dalamhating lubos, liit ng katawan
Masaya't kumain, hindi mapalagay
Maupo't tumindig, alaala'y ikaw

Paalam sa 'yo masarap magmahal
May ari ng puso ko't kabiyak na katawan
Paalam na nga, yaring pinalalayaw
Paalam, giliw ko sayo'y paalam

At kung gumabi na, banig ay ihihiga
Matang nag-aantok, ipipikit na bigla
Sa pagkahimbing, panaginip ka sinta
Sabay ang balon na di mapigil na luha

Lilimutin mo yaring kahabag habag
Puhunang buhay tatawirin ang dagat
Pag alis ay sakit, paroroonan ay hirap
Masayang palad mo sa huli ang sikat

Paalam sa 'yo masarap magmahal
May ari ng puso ko't kabiyak na katawan
Paalam na nga, yaring pinalalayaw
Paalam, giliw ko

Sama ng loob ko'y sa akin mag isa
Di maipahayag sa mga kasama
Puso ko ay lubos na pinagdurusa
Tamis na bilin mo'y, magtiis ka sinta

Paalam sa 'yo masarap magmahal
May ari ng puso ko't kabiyak na katawan
Paalam na nga, yaring pinalalayaw
Paalam, giliw ko sayo'y paalam

Paalam
Masayang palad mo sa huli ang sikat.

Latest Song Meanings for Sa Huli Ang Sikat
comments powered by Disqus

Browse: A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright (c) 2005 - 2017 LyricsKid (0.012 seconds)
Privacy   DMCA Policy   Contact Us   About Us