Home Page »  Z »  Zildjian
   

Ligaw Tingin (feat. Cong Tv) Lyrics


Zildjian Ligaw Tingin (feat. Cong Tv)

[Verse 1]
Paro-paro sa aking tiyan
Naglalaro, 'di mapigilan
Nauutal kahit 'di ka kausap
Lumalayo kahit 'di kaharap

[Pre-Chorus]
Ooh, bakit ba hanggang dito lang ang
Dulo ng aking hakbang?
Lapitan ka'y malabo kaya hanggang
[Chorus]
Nakaw tingin lamang ako
Pinagmamasadan ang bawat ikot mo
Ligaw tingin lang ba ako?
Bumabagal ang ikot ng aking mundo

[Verse 2]
Guni-guni ng aking isipan
Titig mo, inaabangan
Naiilang kahit 'di ka kilala
Nagtatago kahit 'di mo 'ko kita

[Pre-Chorus]
Ooh, bakit ba hanggang dito lang ang
Puso inaangkin ka?
Lapitan ka'y malabo kaya hanggang

[Chorus]
Nakaw tingin lamang ako
Pinagmamasadan ang bawat ikot mo
Ligaw tingin lang ba ako?
Bumabagal ang ikot ng aking mundo

[Bridge]
Kahit ako'y 'di mo pansin
Patuloy kita mamahalin
Palihim kahit na ako'y
[Outro]
Nakaw tingin lamang ako
Ligaw tingin lang ba sa'yo?
Nakaw tingin lamang ako
Ligaw tingin na lang sa'yo
Most Read Zildjian Lyrics


Browse: