Home Page »  A »  Arthur Miguel
   

Ikaw Lyrics


Arthur Miguel Ikaw

[Verse 1]
Paano?
Paano magsisimula
Kung laging ikaw ang sigaw ng puso?
Ikaw hanggang dito
Ikaw, ikaw, ikaw
Ba't pa lumayo?
Ako ngayo'y nag-iisa
Sa dilim at walang pagasa
Dito, baka marinig mo'ng
Sigaw, aking sigaw
[Chorus]
Ikaw ang sagot sa mga hapdi at kirot na dala
Ikaw ang kumot sa tuwing ako'y nanlalamig
Ikaw ang lunas na kailangan ko pag-gising
Ikaw at ako ay isang kabanatang hindi natapos
At biglang pinunit ng panahon, ika'y tinangay roon
At ako ngayo'y naiwanan

[Verse 2]
Gaano?
Gaano kaya kagaan
Ang buhay sa ibang pahina dito?
Ikaw aking bisyo
Ikaw, Ikaw, Ikaw
Nadudurog
Luha'y hindi na sapat
Sa mga gabing ikaw ang hanap
Boses mo at ang 'yong yakap
Ang kailangan ko

[Chorus]
Ikaw ang sagot sa mga hapdi at kirot na dala
Ikaw ang kumot sa tuwing ako'y nanlalamig
Ikaw ang lunas na kailangan ko pag-gising
Ikaw at ako ay isang kabanatang hindi natapos
At biglang pinunit ng panahon, ika'y tinangay roon
At ako ngayo'y naiwanan, kasama ng piraso mo
[Outro]
Oh
Oh
Oh
Hmm


Browse: