Home Page »  A »  Aikee
   

Kahit Bata Pa Ako Lyrics


Aikee Kahit Bata Pa Ako

[Intro]
Mad world

[Chorus]
Kahit bata pa ako (Kahit bata pa ako)
Alam kong minamahal kita (Minamahal kita!)
Hindi ito isang laro 'di ako nagbibiro
May puso rin ako, kahit bata pa
Kahit bata pa ako

[Verse 1]
Ano ba 'tong nararamdaman? Bakit gan'to?
Sa t'wing nakikita kita ako'y napapahinto
Ako'y natataranta at kinakabahan
Sa tuwing dadaan ka sa aking harapan
'Di ko maintindihan kaya't lumapit sa'yo
At nang una kang maka-usap ni-nerbiyos ako
At nawala na lang bigla ang aking kaba
Nang may nakita akong ngiti sa'yong maamong mukha
Nakipagkilala ka't inabot ang 'yong kamay
Hangga't sa pag-uwi tayo ang magkasabay
Masayang nagkukulitan habang nagkukwentuhan
At kahit kailan hindi ko 'to malilimutan
[Chorus]
Kahit bata pa ako (Kahit bata pa ako)
Alam kong minamahal kita (Minamahal kita!)
Hindi ito isang laro 'di ako nagbibiro
May puso rin ako, kahit bata pa
Kahit bata pa ako

[Verse 2]
At magmula no'n napalapit na 'ko sa iyo
Masaya 'ko sa t'wing magkasama tayo
Sa t'wing papasok sa eskwela, hanggang sa pag-uwi
At 'pag nag-lunch break na tayo'ng magkatabi
Ikaw ang tumutulong sa mga homework ko
At pagkatapos sabay tayong naglalaro
Ng PS2 at ng Ragnarok sa PC
Nanonood ng gusto kong cartoons sa TV
Ng Slamdunk o ng Dragonball Z
Nand'yan siya 'pag napagalitan ni Daddy
Hindi umaalis, she never leave me alone
Sinong 'di maaalis sa mga text sa phone, 'di ba?

[Chorus]
Kahit bata pa ako (Kahit bata pa ako)
Alam kong minamahal kita (Minamahal kita!)
Hindi ito isang laro 'di ako nagbibiro
May puso rin ako, kahit bata pa
Kahit bata pa ako
[Bridge]
At para bang biglang nagunaw ang aking mundo
Nang mabasa ko ang liham na pinaabot mo
Na kailangan mong lumisan at mang ibang bayan
Kaya't sa akin ikaw ay nagpaalam
At 'di ko alam kung babalik ka
Kaya't para kong halaman na biglang nalanta
Na nawalan ng sigla unti-unting tumumba
Inaasahang makakasama ka hanggang pagtanda
Pero kahit na mahirap 'to kailangang tanggapin
Kahit masakit 'to kailangang tiisin
Kailangan 'tong gawin para 'yong marating
Ang mga pangarap ko kailangan mong abutin
At sana balang araw makita kang muli
At sana balang araw makasama kang muli
Tandaan lang na kahit saan ka magpunta
Na "kahit bata lang ako, mahal na kita!"

[Chorus]
Kahit bata pa ako (Kahit bata pa ako)
Alam kong minamahal kita (Minamahal kita!)
Hindi ito isang laro 'di ako nagbibiro
May puso rin ako, kahit bata pa
Kahit bata pa ako

[Chorus]
Kahit bata pa ako (Kahit bata pa ako)
Alam kong minamahal kita (Minamahal kita!)
Hindi ito isang laro 'di ako nagbibiro
May puso rin ako, kahit bata pa
Kahit bata pa ako


Browse: